Tiniyak ng Department of Agriculture Region 1 na sapat ang suplay ng bigas sa buong Ilocos Region sa kabila nang nararanasang epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa.
Matatandaan na ilang mga sakahan sa lalawigan ng Pangasinan ang nakararanas ng pagtuyo ng mga sakahan maging pagkasira ng ilang mga pananim dulot ng mas tumitinding El Nino.
Ngayong buwan din ng Pebrero umpisa na ang ilang mga magsasaka sa pag-aani ng palay upang maiwasan ang epekto ng dry spell at hindi mamroblema sa bentahan at produksyon nito sa merkado.
Ayon sa pamunuan ng DA R1, wala umanong magiging problema sa suplay ng bigas sa rehiyon. Dagdag pa nila na mataas ang suffciency rice level noong pang taong 2022.
Samantala, nananatiling nakararanas ang ilang bahagi ng sakahan dito sa lalawigan ng Pangasinan ng El Niño at hiling ng mga ito ang tulong mula sa mga kaukulang ahensya upang maibsan ang mga suliranin sa pagsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨