𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗗𝗔

Pagtitiyak ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang sapat na suplay ng bigas sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pagkwestyon ng isang grupo ng magsasaka kaugnay sa nakita umanong pagkakaiba sa datos ng produksyon ng bigas at ang imbentaryo na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Arnel De Mesa, matatag din umano ang presyo ng bigas kung saan ang retail price ng produkto ay nasa P48 at P53 kada kilo.

Samantala, sa lungsod ng Dagupan, nananatiling mababa ang presyo sa kada kilo ng bigas kung saan mayroon pa ring mabibiling P46 bilang pinakamamabang presyo sa ilang pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments