Tinitiyak ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan na sapat ang magiging suplay ng mga Noche Buena Products sa mga pamilihan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa darating na Dec 25.
Alinsunod dito, lingguhang isinasagawa ng mga kawani ng ahensya ang monitoring sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Matatandaan na inihayag ng pamunuan ng DTI nang ilabas ang SRP o suggested retail price ng mga produkto ay may pagtaas ang mga ito bagamat mas mataas noong nakaraang taon kumpara ngayon.
Ang mga presyong itinakda ngayon tulad sa ham, fruit cocktail, keso de bola, cheese, sandwich spread, mayonnaise, pasta or spaghetti, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce and all-purpose cream ay mananatili na hindi na aasahang tataas pa ito hanggang sa matapos ng taon.
Samantala, abala na rin ang mga consumers sa Pangasinan sa kanilang pagbabadyet bilang paghahanda sa Christmas season lalo na nagmamahalan ang halos lahat ng bilihin sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments