𝗦𝗔𝗧𝗧𝗘𝗟𝗜𝗧𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗞𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗣𝗜𝗡𝗢𝗠𝗔

Cauayan City – Binisita ng Commission on Elections Cauayan City ang Brgy. Pinoma ngayong araw ika-26 ng Agosto upang maghatid ng libreng serbisyo.

Ngayong araw ang huling schedule ng Sattelite Registration ng COMELEC para sa buwan ng Agosto.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kapitan Romeo Gallema, magandang pagkakataon ito dahil mismong ang opisina na ng COMELEC Cauayan City ang lumalapit upang maserbisyohan ang mga residente.


Aniya, bukod sa mas magiging mabilis ang proseso ng pagre-rehistro, pag reactivate, at pag-aayos ng records ay makakatipid rin ang mga residente dahil hindi na sila gagastos pa.

Samantala, inaanyayahan naman ng COMELEC ang lahat ng mga unregistered voters sa Brgy. Pinoma na samantalahin ang pagkakataong ito na makapagrehistro sa pagboto ngayong araw.

Facebook Comments