Sa kabila ng nararanasang tagtuyot ng ilang magsasaka sa Pangasinan ay mababa pa rin umano ang farmgate price ng mga inaani nilang palay.
Sa latest update ng data ng Department of Agriculture Ilocos Region, naglalaro ang farmgate price ng tuyong palay mula ₱20 hanggang ₱30 ang kada kilo habang ang basang palay naman ay naglalaro ang farmgate price sa ₱18 hanggang ₱27 ang kada kilo.
Mababa pa rin umano ito ayon sa ilang magsasaka dahil hirap sila ngayon dahil sa nararansang tagtuyot.
Bagamat solusyon ng ilan sa mga mga ito tulad sa bayan ng Mangaldan ang pagtatanim muna ng mga drought resistant crops tulad ng mais, pakwan, munggo at mani nang sa gayon ay hindi masayang ang mga hindi natamnan na lupa ng palay.
Ngunit kahit pa may tanim ang mga ito ay paniguradong asahan umano ang kakulangan ng suplay ng bigas sa mga susunod na buwan dahil sa hindi sapat ngayon na pagtatanim ng palay dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig dulot ng el niño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨