𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗥𝗘𝗡𝗘𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

Cauayan City – Binuksan na ng Local Government Unit ng Burgos Isabela ang pagtanggap ng requirements para sa renewal at application ng LGU Burgos Scholarship.

Ang nabanggit na scholarship renewal and application ay para sa mga college students para sa Academic Year 2024-2025.

Para sa mga magre-renew ng scholarship, kinakailangan lamang ipasa ang mga dokumentong kinabibilangan ng Accomplished Application Form, Assessment o Enrollment form para sa 1st Semester ng A.Y. 2024-2025, Certification of Grades, at Photocopy ng school ID.


Para sa mga bagong applicants, kinakailangan naman ng request letter na naka-addressed kay Mayor, Accomplished Application Form, Assessment o Enrollment form para sa 2nd Semester ng A.Y. 2023-2024, Certification of Grades, Photocopy ng school ID, at Barangay Indigency Certificate.

Magtatagal naman ang pagtanggap ng requirements hanggang sa ika-17 ng Enero ngayong taon.

Facebook Comments