Naipamahagi na ang scholarship grant ng mga kabataang Dagupeños sa ilalim pa rin ng umiiral na Scholarship Program ng Dagupan City.
Nasa isang libo, dalawang daan at pitumpu’t-walo o 1, 278 na mga bagong scholars ang tumanggap ng nasa P20, 500 na halaga laan para sa isang sem.
Layon ng programang matulungan ang mga mag-aaral na mga Dagupeño sa kanilang pangmatrikula upang makatapos ang mga ito sa pag-aaral sa kabila ng mahirap na sitwasyon na kinahaharap ng mga ito.
Samantala, matatandaan na target ng local na pamahalaan ng Dagupan ang nasa limang libo o 5000 kabataang Dagupeños na mapabilang sa Scholarship program ng lungsod bilang aprubado na rin ang 2023 budget. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments