𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔

Tuloy tuloy na ang usad ngayon ng umiiral na Scholarship Program sa lungsod ng Dagupan sa kaliwa’t kanang mga application at pagtanggap ng Scholarship fund.
Nauna nang sumailalim sa profiling ang 950 na mga kabataang Dagupeños kasunod ng pagiging kwalipikadong Scholars ng mga ito.
Nito lamang, muling sumalang sa profiling ang karagdagang 830 na mga estudyante na nais mapabilang sa nasabing programa.

Matatandaan na isa ang pagsasailalim sa masusing balidasyon at beripikasyon ang kinakailangang hakbangin bago maideklarang scholar ng lungsod ang mga ito.
Samantala, tinanggap ng nasa 730 scholars ang kanilang scholarship grant na nagkakahalaga naman ng 20, 500 pesos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments