𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗗𝗔, 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

Magbubukas mula sa aplikasyon ang scholarship program para sa mga estudyanteng residente sa bayan ng Anda.

Bubuksan sa araw ng martes, June 18, 2024 hanggang July 01, 2024 ang pagtatanggap sa aplikasyon para sa naturang scholarship sa Academic Year 2024-2025.

Ang scholarship program ay bukas para sa lahat ng mag-aaral na residente ng bayan kung saan enrolled sa hindi bababa sa 1-year course sa kolehiyo at hindi lagpas sa P150,000 ang taunang kita ng mga magulang.

Dapat din umano na walang ibang tinatanggap na government scholarship ang mga nagnanais na magpasa ng aplikasyon.

Samantala, isasagawa naman ang scholarship examination sa July 6, 13, 14, at 17, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments