Friday, February 27, 2026

𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗙𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗞𝗜𝗡; 𝗔𝗧𝗧𝗘𝗡𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗔𝗧 𝗔𝗖𝗔𝗗𝗘𝗠𝗜𝗖 𝗣𝗘𝗥𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗦𝗬𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Cauayan City – Target ng lokal na pamahalaan at ng mga katuwang na ahensya na palawakin ang Home-Grown School Feeding (HGSF) program sa buong lungsod matapos ang magandang resulta sa Cauayan North Central School.

Isinusulong ni FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe ang expansion ng programa, na pinagtutulungan ng World Food Programme (WFP), Department of Education (DepEd), at ng lokal na pamahalaan ng Cauayan City.

Ang programa ay pilot initiative na pinagtutulungan ng World Food Programme (WFP), Department of Education (DepEd), at ng lokal na pamahalaan ng Cauayan City.

Sa ilalim ng modelo, direktang kinukuha sa mga lokal na kooperatiba ng magsasaka ang mga sangkap para sa school meals na tumutulong na sa nutrisyon ng mga bata, nakadaragdag pa sa kita ng mga magsasaka.

Ayon kay Poe, mahalagang makita mismo ang epekto ng mga inilalaang pondo sa Kongreso, dahil ang mga numerong tinatalakay ay may katumbas na totoong benepisyo sa mga bata at pamilya.

Ibinahagi naman ng kinatawan ng LGU na kapansin-pansin ang pagtaas ng attendance ng mga mag-aaral at maging ang pag-angat ng academic performance mula nang ipatupad ang feeding program. Hindi lamang anila ito panandaliang pagtaas, kundi may nakikitang tuloy-tuloy na improvement sa paaralan.

Naglaan ang lungsod ng ₱3 milyon kada taon sa loob ng tatlong taon para suportahan ang programa, kabilang ang pagpapalakas ng kitchen facilities at koordinasyon.

Sa ngayon, isang paaralan pa lamang ang saklaw ng pilot implementation, ngunit may 80 pampublikong paaralan sa Cauayan City na target makinabang kung mapapalawak ito.

Gayunman, mangangailangan pa ng karagdagang pondo para sa operasyon, tauhan, at pasilidad upang maisakatuparan ang mas malawak na implementasyon.

Source: Inquirer.net

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments