𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗬𝗨𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢

CAUAYAN CITY- Namahagi ng kagamitang pang-eskwela ang Lokal na Pamahalaan ng Santiago sa mga mag-aaral sa Lungsod.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Atty. Sheena Tan kung saan nagtungo ito sa iba’t-ibang eskwelahan sa Lungsod upang mamahagi ng nasabing school supplies.

Nabigyan din ng mga Smart TV ang bawat classroom sa mga paaralan ng Santiago para sa mas interaktibong pagtuturo.


Layunin ng programang ito na maibsan ang gastusin ng mga magulang para sa pag-badyet ng kanilang pera para sa pambili ng mga school supplies.

Simbolo naman umano ang ginawang pamamahagi ng pagsuporta, pag-aaruga, at pag-gabay ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago sa mga batang mag-aaral ng Lungsod.

Facebook Comments