𝗦𝗘𝗔𝗠𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗬

Napuno ng takot ang isang lamay sa Brgy. Apaya, Malasiqui, Pangasinan matapos magpaputok ng baril ang isang seaman.

Kinilala ang suspek na isang 40 anyos. Ayon sa salaysay ng nagrereklamo, nakainuman ng kaniyang kapatid ang suspek na nasa lamay.

Paglabas ng suspek, bigla na lamang umano nitong inilabas ang kaniyang baril at tinutok sa biktima maging sa ilang bisita.

Matapos pagbantaan ng suspek ang biktima, nagpaputok pa ito ng dalawang beses sa kalsada.

Narekober ang dalawang basyo ng calibre 38 na baril at naaresto sa suspek. Haharap ito sa kasong paglabag sa RA 10591. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments