𝗦𝗘𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗩𝗘𝗟 𝗢 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗡𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗣𝗜𝗡𝗗𝗘

Suspendido muna ang lahat ng byaheng pandagat sa bahagi ng northwestern Pangasinan ayon sa Coast Guard Station (CGS) dulot ng sama ng panahon na nararanasan dahil sa bagyong Enteng.

Nakasaad sa naturang advisory na hindi muna pinahihintulutan ang mga paglaot sa bahagi ng lalawigan.

Sa oras na nagdeklara na ang PAGASA ng normal na lagay ng panahon saka lamang maaaring magpatuloy ang sea travel sa mga naturang lugar.

Samantala, kahit wala na sa tropical cyclone wind signal ang lalawigan ay mananatili pa ring epektibo ang naturang sea travel advisory ayon sa CGS. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments