
Cauayan City – Higit sa popularidad, tunay na serbisyo ang puhunan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa kanyang patuloy na pag-angat sa mga survey.
Kasunod ng kanyang pagkilala bilang Rank #2 Top Performing Cabinet Member noong Enero, kabilang na rin siya ngayon sa Top 7 ng mga pinapaborang kandidato para sa 2028 Senatorial Survey.
Sa pinakabagong Tangere Survey ngayong 2026, umani si Sec. Gatchalian ng mataas na 50.9% Satisfaction Rating at 49.0% Trust Rating.
Ang marka na ito ay repleksyon ng mga inisyatiba ng kagawaran—mula sa mabilis na disaster response at malawakang digital transformation, hanggang sa tagumpay ng mga flagship programs gaya ng Walang Gutom 2027 at AKAP.
Kasabay nito, liyamado rin ang Kalihim sa ika-7 pwesto ng Tangere Senatorial Survey matapos makakuha ng 34.4% preference rating.
Kapansin-pansin ang buhos ng suporta mula sa mga Millennial at Gen Z—mga grupong naghahanap ng mga lider na may napatunayang kakayahan at modernong diskarte sa serbisyo publiko, mga katangiang malinaw nilang nakikita sa istilo ng pamumuno ni Sec. Rex.
Ang pagtaas ng kanyang trust rating at senatorial preference ay malinaw na mensahe na tapat na serbisyo ang hinahanap ng mga botante.
Pinapatunayan nito na sa kabila ng ingay ng politika, ang mahusay na pamumuno at konkretong resulta pa rin ang susi para makuha ang tiwala ng sambayanan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










