Tinatayang nasa 7,500 na seedlings o punla ng fruit bearing trees ang ipinamahagi sa mga interesadong residente ng Pozorrubio.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay duhat, pomelo, kalamansi, kasoy at guyabano na mula sa DENR National Capital Region, CENRO Urdaneta Provincial Agriculture Field Office sa San Quintin.
Pinilahan naman ng mga residente ang libreng punla at hangad na mapalaki ang mga ito hanggang sa mamunga. Layunin ng naturang aktibidad na masuportahan ang Green Canopy Project ng Pamahalaang Panlalawigan na umabot na sa higit 200,000 puno ang naitanim sa iba’t-ibang hahagi ng lalawigan ngayong 2024.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments