𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Patuloy na tinututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang kaligtasan at seguridad ng mga turistang patuloy na pumupunta sa kanilang mga tourist destination.

Kahapon, bisperas ng bagong taon ay tuloy pa rin ang pagdating ng mga turista sa ilang mga tourist spots sa lungsod kung kaya’t patuloy na binabantayan ng composite team ng lungsod kasama pa ang ibang kawani nito ang bawat destinasyon ng mga bumibisita.

Sisiguruhin umano ng mga ito ang kapakanan at seguridad ng kanilang mga mamamayan at mga turista nang sa gayon ay magkaroon ng maayos na pagbisita kahit pa matapos na ang holiday season.

Inaasahan na patuloy pa ring dadagsahin ang mga tourist spots ng lungsod hanggang sa unang bungad ng taong 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments