𝗦𝗘𝗚𝗨𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔𝗩𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗛𝗜𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗣𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗦𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔

CAUAYAN CITY- Ipapatupad ang mahigpit na pagbabantay at seguridad sa Brgy. Buenavista matapos makapagtala ng karumal-dumal na krimen na nagresulta sa pagkasawi ng isang 13-anyos na dalagita sa Lungsod ng Santiago.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Leofin Pascual, hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganitong klase ng krimen sa kanyang nasasakupan.

Aniya, ginagawang tapunan ng bangkay ang kanilang barangay dahil may mga bahagi itong liblib at wala gaanong kabahayan.


Bilang pagtugon sa nangyaring krimen ay mas lalong pinaigting ng barangay ang pagpapatupad ng curfew hours sa mga kabataan upang sa gayon ay maiiwas ang mga ito sa anumang krimen.

Sa kabilang banda, nangako naman si Kapitan Pascual na magbibigay ng tulong ang kanilang barangay sa pamilya ng biktima.

Facebook Comments