
Cauayan City – Pinaiigting ng San Agustin Municipal Police Station ang seguridad ng bayan sa pamamagitan ng mobile patrolling, motorcycle patrol, at foot patrol sa Public Market at National Highway.
Layunin nitong patatagin ang police visibility, maagapan ang anumang banta sa seguridad, at hadlangan ang mga lawless elements sa loob ng Area of Responsibility.
Kasabay ng mga patrol, isinagawa rin ang masusing inspeksyon sa mga financial institutions, business establishments, economic key points, at iba pang vital installations upang maiwasan ang pagnanakaw at iba pang insidente.
Ang operasyon ng San Agustin MPS at lokal na pamahalaan ay malinaw na patunay ng determinasyon ng kapulisan at LGU na panatilihin ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa komunidad.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










