Pinaigting pa sa lalawigan ng Pangasinan ang pangkabuhayan at produksyon sa sektor ng Agrikultura sa pamamagitan ng mga proyekto at programang patuloy na inilulunsad tulad ng mga farm inputs at imprastraktura.
Nito lang, pinasinayaan ang Salt Intrusion Dam at Embankment Protection sa Brgy. Tawin-Tawin, Alaminos City bilang panibagong imprastraktura na makakatulong sa maayos na pagtatanim ng mga magsasaka roon.
Makatutulong rin ang naturang imprastraktura na mapigilan ang pagdaloy ng tubig alat gamit ang dam dahil isa rin umano ito sa dahilan sa ikinasisira ng mga palay.
Ang mga naipong tubig naman ay magagamit na pandilig para sa mga itinatanim na mga gulay at prutas kapag dry season. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments