𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗗𝗨𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜𝗡𝗢

Pinaghahanda ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga nasa sektor ng pangisdaan sa posibleng epekto na maidudulot rin ng el niño sa kanilang pangkabuhayan.

Tulad na lamang dito sa rehiyon uno kung saan isa din sa pangunahing pinagkukunan ng mga residente ng pagkakakitaan ay ang pangingisda at pangangalaga sa palaisdaan.

Ilan sa paghahanda ngayon sa sektor ng pangisdaan ang pagtaas ng banta ng fish kill dahil sa pagbaba ng dissolved oxygen dahil sa pagdami ng plankton sa katubigan.

Naghahanda rin ang sektor ng pangisdaan sa maaari malawak na katubigan na maaapektuhan ng red tide dulot naman ng pagdami ng mga nakalalasong organismo.

Sa init ng panahon maaari din maranasan ng mga isda ang pagtaas ng temperatura at salinity level na siyan fb nagdudulot ng stress sa mga ito partikular sa isdang bangus at tilapia na maaaring maging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Ayon naman sa PAGASA, nararanasan na muli sa bansa ang El nino na siyang nagdudulot ng pagtaas ng temperatura sa ibabaw ng ilang bahagi ng Pacific Ocean at nangyayari ng may dalawa hanggang pitong taong pagitan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments