𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗨𝗠𝗘𝗥𝗢 𝗨𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗙𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢

Nanguna sa nag-ambag ng pagbilis ng inflation rate sa Pangasinan nitong buwan ng Mayo 2024 ang sektor ng transportasyon.

Sa datos na naitala ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.0% ang naiambag ng sektor ng transportasyon sa lalawigan sa bahagyang pagbilis ng inflation rate sa lalawigan noong Mayo kung saan katumbas umano ng 58.8% share sa uptrend sa inflation.

Sumusunod dito ang housing, water, electricity, gas, at iba pang fuels kung saan may -5.8% inflation ngayong buwan na siyang katumbas ng 14.5% share sa uptrend ng inflation rate.

Samantala, ikatlong nag-ambag sa mas mabilis na Inflation rate ay ang personal care, and miscellaneous goods kung saan may 4.6% inflation rate na siyang katumbas ng 11.6% share sa uptrend ng mas mabilis na inflation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments