𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗬𝗔𝗛𝗘 𝗣𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗨𝗡𝗖𝗢𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬𝗦

Hindi umano apektado ang sektor ng transportasyon sa lalawigan ng pangasinan sa kabila ng hindi na pag-arangkada pa sa kakalsadahan ng mga unconsolidated jeepneys.

Ang ilang komyuter sa lalawigan tulad sa Dagupan City, napansin umano ang unti-unti nang pagdami ng mga modernized jeepneys na umaarangkada na siyang kanilang nang pinipiling sakyan dahil mas mainam umano ang bentilasyon nito lalo ngayong nakakaranas pa rin ng mainit na panahon.

Matatandaan na makailang adjustments na ang isinagawa sa PUV consolidation simula pa noong nakaraang taon bilang pagbibigay ng oras sa mga jeepney drivers at operators para makapag-desisyon na makibahagi sa kooperatiba at korporasyon.

Sa huling palugit nito noong April 30, 2024 ay hindi na muli pa nagkaroon ng extension ukol sa nasabing consolidation kung saan naging desidido din ang ilang unconsolidated jeepneys sa pangasinan na hindi muli pa aarangkada sa kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments