𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗚𝗢

Patuloy ang paglago ng turismo sa Region 1.

Ito ang naging pahayag ni Department of Tourism Regional Director Jeff Ortega sa isinagawang press conference.

Ayon kay Ortega, unti-unti nang nakababawi ang turismo ng rehiyon matapos na maranasan ang covid pandemic.

Sinabi pa nito, Kakailanganin lamang ang infrastructure development sa rehiyon upang maayos ang sistema sa paglabas masok ng mga turista sa mga tourist destination sa rehiyon.

Sa ngayon, pinaigting ng ahensya ang proyekto nitong bike trails, historical trails at iba pa bilang paghikayat sa mga turista na puntahan ang mga tourist destination sa Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments