𝗦𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗖𝗨𝗟𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗧

Cauayan City – Ipinagdiwang ng Brgy. Culalabat ang Nutrition Month Celebration sa kanilang barangay, noong ika-25 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Kagawad Nena Abad, nagtulong-tulong ang mga barangay officials at staffs sa pagdiriwang ng nabanggit na selebrasyon.

Aniya, nagkaroon ng munting feeding program kung saan ang mga lumahok ay ang mga bata mula sa kanilang barangay.


Samantala, layunin ng programang ito na maipaalam sa kanilang mga kababayan ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagkain ng masusustansyang pagkain lalo na sa mga bata upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.

Facebook Comments