Sa nalalapit na undas hindi lamang sementeryo para sa mga namatay na tao ang dinarayo, kundi maging ang libingan ng mga isda na matatagpuan sa Dagupan City.
Matatagpuan ang iba’t ibang sea creature sa Fish Cemetery ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na matatagpuan sa Brgy. Bonuan Binloc.
Taong 1999 ng mamatay ang isang balyena na si “Moby Dick” na nakumpiska ng BFAR Central Office sa Malabon Metro Manila at inilibing sa naturang sementeryo.
Wala pa umanong plano na gawin sementeryo noon ang nasabing lugar, subalit nang magkasunod-sunod na may namatay sa baybayin na mga sea creatures tulad ng dolphin, pagong ay ito na ang kanilang naging himlayan.
Maging sa mga ordinaryong araw marami ang bumibisita sa lugar na tila naging pook pasyalan.
Samantala, inaasahan na dadagsain ng mga turista ang libingan ng mga isda na kung saan nagsisilbing pagpapaalala sa tamang pangangalaga ng karagatan at panatilihing malinis ang kapaligiran upang sila ay maprotektahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨