𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗔𝗧 𝗦𝗨𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡

Nagsagawa ng isang seminar ukol sa Mental Health Awareness at Suicide Prevention ang tanggapan ng Rural Health Unit at Municipal Social Welfare Development katuwang Local Youth Development Office at ng LGU Mapandan para sa pagbibigay kamalayan ukol sa mga ganitong klase ng usapin sa mental health.

Dinaluhan ang aktibidad na ito ng mga opisyal, Barangay Captains, SK Chairpersons, Barangay Health Workers mula sa iba’t ibang barangay.

Isa sa tinalakay sa naturang lecture ay pagtutok sa iba’t ibang aspeto ng mental health at kung paano maiiwasan ang mga sitwasyong na nagdudulot sa isang inidibidwal para mag-suicide.

Tinalakay din dito ang mga paraan para maging epektibo sa pagharap sa mga isyu ng mental health sa kani-kanilang komunidad.

Samantala, isa ito sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pagpapahayag ng kanilang suports sa mga indibidiwal na nakararanas ng depresyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments