
โCauayan City – Magpapatuloy ang paghahatid ng makatao at maayos na serbisyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa mga benepisyaryo, kasabay ng pagbibigay-halaga sa malasakit at pagtutulungan ng bawat kawani.
โIto ang ipinahayag ni DSWD Regional Director Lucia Suyu-Alan sa isinagawang flag ceremony kahapon, ika-5 ng Enero ngayong taon.
โDagdag pa rito, binigyang-diin din ng regional director ang kahalagahan ng pagkakaisa at pangangalaga sa pisikal at mental na kalusugan ng mga empleyado upang mas maging epektibo ang serbisyong may โextra love at extra care.โ
โNaglatag naman ang ibaโt ibang dibisyon ng mahahalagang anunsyo kaugnay ng mga programa at aktibidad para sa 2026.
โSa pagtatapos ng programa, muling pinagtibay ng DSWD FO2 ang kanilang paninindigan sa tapat at makataong paglilingkod.
โSource: DSWD REGION 2
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










