𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗔𝗥𝗘𝗠, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗧𝗜

Pinagbubutihan pa ang serbisyong pangkalusugan na inihahatid sa mga residente sa bayan ng Mangatarem sa pamamagitan ng pagsasaayos sa mga pasilidad pangkalusugan.

Plano ngayong isailalim sa renovation ang Rural Health Unit ng Mangatarem para sa layuning makapagbigay ng maayos na serbisyong pangkalusugan sa kanilang nasasakupan.

Hihilingin na lamang sa Sangguniang Bayan ang pondong ilalaan para da nakaplanong renovation.

Sa planong renovation na ito ay magkakaroon umano ng dagdag pang silid para imbakan ng mahahalagang dokumento at suplay maging ang pagbili ng mga modernong kagamitan para sa epektibong operasyon ng Rural Health Unit.

Bukod pa sa RHU renovation ay itatayo rin ang maayos na parking space para sa mga emergency cases. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments