𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜

CAUAYAN CITY – Naglunsad ng Serbisyo Caravan ang lokal na pamahalaan ng Tumauini kahapon, ika-7 ng Agosto sa Barangay Fugu Norte, Tumauini, Isabela.

Iba’t ibang serbisyo ang inihatid ng LGU Tumauini sa mga mamamayan katulad ng dental check-up, medical consultation ang profiling, anti-pneumonia para sa mga senior citizens, birth registration, Anti-rabies vaccination, at marami pang iba.

Nagkaroon din ng feeding program para sa mga mag-aaral ng Fugu Elementary School.


Nakatanggap din ang mga residente ng nabanggit na barangay ng VTB Loyalty cards na maaaring gamitin para sa iba’t ibang serbisyo mula sa mga lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.

Ang naturang programa ay may pangalang “Ang Serbisyong Barangay Service Caravan: Bringing Valuable Services Closer to the Barangays” na pinangunahan ni Mayor Venus Bautista.

Facebook Comments