𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗝𝗢𝗡𝗘𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

CAUAYAN CITY – Dinala sa Brgy. Linomot at San Sebastian sa bayan ng Jones, Isabela ang iba’t-ibang serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng isinagawang Retooled Community Support Program (RCSP) Serbisyo Caravan.

Ilan sa mga serbisyong hatid ng caravan ay libreng medikal at dental check-up, libreng gamot, libreng gupit, legal consultation, at marami pang iba.

Bukod sa mga ito ay nagsagawa rin ang 86th Infantry “Highlander” Battalion ng recruitment sa mga gustong maging sundalo at bahagi ng kanilang hukbo.


Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Municipal Task Force to End local Communist Armed Conflict sa pamamagitan ng DILG – Isabela.

Katuwang din sa paglulunsad ng aktibidad ay ang 86th IB, LGU Jones, Municipal Health Office (MHO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Agriculture Office (MAO), legal office at iba pang mga ahensya.

Facebook Comments