๐—ฆ๐—˜๐—ฆ๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—š๐—ฆ๐—ข๐—— ๐—ก๐—š ๐——๐—”๐—š๐—จ๐—ฃ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ, ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ง

Naging mainit ang diskusyon ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan sa naganap nitong regular session kahapon.

Kasunod ito ng argumento ukol sa pagkakasuspinde ng tatlong miyembro ng mayorya sa bisa ng ibinabang Order for Preventive Suspension kung saan mababakante rin ang kanilang opisina.

Naging sentro ng usapin ang siste sa botohan kung saan iminungkahi ng minorya na hindi counted ang boto ng tatlo dahilan sila ay suspendido.

Giit naman ng mayorya, kinakailangan umano ng 2/3 ng boto para sa isang korum na ibig sabihin ay, kailangang maisali ang boto ng pito upang makumpleto ang botohan.

Samantala, nagpatuloy pa ang session sa kabila ng maagang pag-alis ng mayorya upang talakayin ang iba pang usaping nakapaloob sa itinakdang agenda. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments