π—¦π—›π—˜π—œπ—Ÿπ—” π—šπ—¨π—’, π—œπ—§π—œπ—‘π—”π—‘π—šπ—šπ—œπ—‘π—š 𝗦𝗔 π—žπ—”π—‘π—œπ—¬π—” π—”π—‘π—š π——π—§π—œ-π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—˜π—₯π—˜π—— 𝗑𝗔 π—”π—Ÿπ—œπ—¦π—˜π—Ÿ 𝗔𝗀𝗨𝗔𝗙𝗔π—₯𝗠 𝗦𝗔 π—¦π—¨π—”π—Ÿ, π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

Itinanggi ni Sheila Leal Guo na sakaniya ang Alisel Aquafarm, isang establisyemento sa bayan ng Sual, Pangasinan na rehistrado sa Department of Trade and Industry sa ilalim ng kaniyang pangalan sa naging pagdinig ng Senate Subcommittee on Justice and Human Rights kahapon.

Sa naganap na pagdinig sa senado, sinabi ni Sheila na baka raw umano ay ginamit lamang ang pangalan nito. Hindi rin pamilyar si Sheila ukol sa ID nito mula sa bayan ng Sual.

Nadawit din ang pangalan ni Sual Mayor Calugay matapos tanungin ni Chairperson Sen. Risa Hontiveros kung may relasyon ba ang kanyang kapatid na si Alice Guo at ang alkalde na ipinakilala namang magkaibigan lamang umano.


Samantala, nauna nang inimbitahan ang alkalde ng bayan sa pagdinig ngunit ito umano ay tinamaan ng dengue. Nakatakdang imbitahan muli ang alkalde upang mabigyang linaw ang ilang mga katanungang may kinalaman sa kasong kinakaharap ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.Β |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments