Monday, February 2, 2026

β€Žπ—¦π—›π—˜π—Ÿπ—§π—˜π—₯π—˜π—— π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—¦π—›π—’π—£ π—–π—˜π—‘π—§π—˜π—₯, π—£π—Ÿπ—”π—‘π—’π—‘π—š π—œπ—§π—”π—¬π—’ π—‘π—š 𝗣𝗗𝗔𝗒 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑

β€Ž
β€ŽCauayan City – Nakatakdang itatag ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Cauayan angΒ  Sheltered WorkshopΒ  Center para sa mga Persons with Disability (PWDs).
β€Ž
β€ŽAyon kay PDAO Head Jonathan Galutera, ang nabanggit na pasilidad ang magsisilbing training providers para sa mga unemployed PWDs.
β€Ž
β€ŽBukod dito, sinabi ni PDAO head na maaari rin itong maging livelihood area sa mga araw na walang isinasagawang training.
β€Ž
β€ŽSinabi pa nito na mayroon na silang lugar para maging Sheltered Workshop Center at on-going na rin ang kanilang pakikipag-usap sa City Architect para masimulan na ang design ng pasilidad.
β€Ž
β€ŽIsinasagawa na rin nila ang validation sa bawat barangay upang masiguro na accurate ang data upang malaman kung sino ang mga prayoridad na magbigyan ng naturang serbisyo.
β€Ž
β€ŽKumpiyansa naman si Ginoong Galutera na malaking tulong ito para makapag-develop ng mga skilled workers na PWDs.
β€Ž
β€ŽDagdag pa rito, mahihikayat rin nila ang mga employers sa buing lungsod na kumuha ng mga skilled workers sa kanilang opisina.
β€Ž
β€ŽIto ang naging pahayag ni PDAO Head Jonathan Galutera.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments