π—¦π—›π—˜π—Ÿπ—§π—˜π—₯ π—”π—¦π—¦π—œπ—¦π—§π—”π—‘π—–π—˜, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ—žπ—”π—Ÿπ—’π—’π—• 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—‘π—”π—¦π—”π—Ÿπ—”π—‘π—§π—” π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’π—‘π—š β€œπ— π—”π—₯π—–π—˜β€

Cauayan City – Nakatanggap ng shelter assistance ang mga residente mula sa bayan ng Sta. Praxedes, Cagayan na lubhang naapektuhan ng pagsalanta ng bagyong β€œMarce”.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng Department of Human Settlements and Urban Development Regional Office 2 kasama ang LGU Sta. Praxedes sa pangunguna ni Municipal Mayor Esterlina Aguinaldo.

Umabot sa 102 na mga benepisyaryo na nasiraan ng bahay noong kasagsagan ng bagyo ang nakatanggap ng Emergency Shelter Support
sa ilalim ng Department’s Integrated Disaster Shelter Assistance Program.


Maliban dito, nangako rin ang LGU na magbibigay ng karagdagang tulong sa 10 miyembro ng Indigenous People sa kanilang bayan, na nasalanta rin ng nakaraang mga bagyo.

Facebook Comments