𝗦𝗛𝗢𝗧𝗚𝗨𝗡 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗜𝗟𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔

Laking gulat ng isang magsasaka sa bayan ng Infanta nang matagpuan nito ang isang baril na nakasilid sa sako.

Ayon sa pulisya natagpuan ni Genaro Morticio ang naturang armas sa kaniyang kubo sa barangay pita.

Wala umanong ideya si Morticio kung sino ang nag-iwan nito dahil wala itong nakitang nagpunta sa kanyang kubo.

Agad naman naireport sa kapulisan ang insidente upang maipasakamay sa awtoridad ang naturang armas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments