𝗦𝗜𝗗𝗘𝗪𝗔𝗟𝗞 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗕 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗘𝗭 𝗔𝗩𝗘. 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦

Nalalapit nang matapos ang isinasagawang sidewalk sa bahagi ng AB. Fernandez Ave. sa Dagupan City bilang bahagi pa rin ng road at drainage elevation.

Kasamang nagsagawa ng inspeksyon ng naturang sidewalk ang alkalde ng lungsod at ilang kawani mula sa DPWH at City Engineering office.

Sabay din dito ang drainage connection ng mga business establishments papunta sa pinaka-drainage o kanal ng lungsod.

Nagbigay naman ng payo ang lokal na pamahalaan sa mga may ari ng mga establisyimento na kung maaari ay lagyan ng drain cleanout ang mga abang na tubo nang sa gayon ay maiwasan ang back flow.

Samantala, target na matapos ang isinagawang ring road at drainage construction ng intersection ng AB Fernandez sa March 15, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments