Mas madaming problema ang Pilipinas na kailangan ayusin at asikasuhin bago ang pag-amyemda sa ilang bahagi ng 1987 constitution.
Sa Naging panayam ng IFM dagupan Kay Alliance of Concern Teachers Party List Representative France Castro, sobrang dami ng problema sa Pilipinas na Kailangan ayusin at huwag unahin ito.
Hindi ito sagot aniya sa mga problema sa Pilipinas na dapat ay mas tinututukan.
Nakakalungkot aniya dahil dito ay ginagamit din ang programa ng pamahalaan Gaya ng Tupad ng Dole, Aics ng DSWD at MAIP ng DOH.
Maliban pa dito ay ang umano’y pagbabayad ng Isang Daang piso sa mga tao kapalit ng kanilang pirma.
Samantala dito sa lalawigan ng Pangasinan may mga Bali balita ng nakarating na din ang nasabing Signature Campaign kung saan ay ipinapapatawag na din ang mga botante sa ilang mga bayan sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨