𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗚𝗨𝗥𝗔𝗗𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗔𝗧 𝗜𝗧𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Nagbigay ng katiyakan ang Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG na sapat ang lahat ng suplay ng mga karne gaya ng manok at baboy pati ng itlog ngayong holiday season.
Ayon kay Engr. Rosendo So, SINAG Chairman, sapat naman lahat ng suplay ng karneng manok at baboy pati na ng itlog para patuloy na makapagbenta ang mga retailers at may ma-avail pa rin ang mga consumers.
Nakadepende naman kasi ang mga presyo ng karne ng manok at baboy sa uri o klase nito kung saan generally, dapat nasa 160 per kilo umano ang presyo ng manok habang nasa starting price na 270 pesos hanggang 280 pesos depende na sa parte ang presyo naman ng karneng baboy.

Kapag naman may nakitaan ang mga consumers na may bahagyang pagtaas o lagpas sa presyong itinakda lamang para sa karneng manok at baboy, ay maigi umanong maikutan ang mga pamilihan at i-monitor ito ng Department of Agriculture para nang sa gayon ay mabigyan ng karampatang paalala na tumalima ang mga retailers sa presyong nakalathala lamang sa mga naturang produkto.
Sa kabilang banda, nakitaan naman ng pagbaba sa presyo ng ilang lowland at upland vegetables sa lalawigan tulad na lamang ng repolyo na nasa 10 pesos to 20 pesos per kilo at kamatis na nasa 10 pesos to 25 pesos per kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments