𝗦𝗜𝗡𝗚𝗘𝗥-𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗥𝗜𝗧𝗘𝗥, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗬𝗔𝗡

Dead on arrival sa pagamutan matapos pagbabarilin sa loob ng sasakyan ang isang 33 anyos na singer-song writer sa Baywalk area ng Brgy. Baybay Lopez, Binmaley, Pangasinan.

Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay PNP Deputy Chief of Police Capt. Alexander Supsupin, kinilala nito ang biktima na si Tony Joe Coquia, residente ng Brgy. Libsong, Lingayen.

Sa insiyal na imbestigasyon ng mga ito, patungong Dagupan City ang biktima kasama ang asawa at mag-iisang taong gulang na anak nang mapagpasyang makipagkita sa suspek na si Billy Jay Esguerra.

Nakiusap naman ang pamilya ng biktima na hindi muna ito magbibigay ng pahayag hanggat hindi pa naililibing ang kaniyang asawa.

Itinuturong dahilan ng pamamaril ang alitan ng dalawa sa kanilang fraternal affiliations.

Pinaghahanap nan g pulisya si Esguerra at ang isa pang lalaking kasama nito nang mangyari ang krimen.

Nagsagawa na ang mga ito ng pagrereview at backtracking ng CCTV Footages upang matunton ang direksyon ng mga suspek.

Inilunsad na rin ang 2nd District ng Pangasinan ang KIMAT at TIKTIK teams upang makipagtulungan sa imbestigasyon.

Matapos ang pamamaril Tiniyak ng PNP Binmaley ang seguridad ng mga dumadaang motorista, turista at residente sa kahabaan ng baywalk. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments