𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦

Bahagyang magkakaroon ng pagtaas ang singil sa kuryente ng Dagupan City Electric Corporation o DECORP ngayong buwan ng Mayo.

Mula sa PHP 5.5514 kilowatt per hour na singil nitong Abril, tataas nang bahagya sa PHP 6.0773/kwh ngayong buwan o katumbas nito ang umentong PHP 52.

Bunsod umano ang dagdag singil sa mas mataas na generation charges mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Kaugnay nito, kaliwa’t kanan ang paghimok sa publiko ukol sa energy conservation o pagtitipid ng kuryente lalo na at kasalukuyang nasa ilalim ang bansa sa dry season o panahon ng tag-init. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments