𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡

Posible umano ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan, ayon sa isang electric provider sa lungsod ng Dagupan.

Diumano, nakakita sila ng upward trend ngunit inaasahan nilang hindi ganoon kataas.

Kamakailan, nagtaas din ng 50 centavos ang generational charge na sinisingil ng naturang electric provider noong buwan ng Mayo.

Sa kabilang banda, ilang konsyumer ang ikinabigla ng pagtaas ng kanilang mga electric bill at diumano’y nakatanggap ang electric provider ng mga complains. Pagliliwanag naman nila na ito ay dahil sa pagtaas ng konsumo ng kuryente sa nagdaang buwan.

Sa ngayon, patuloy ang kanilang paghikayat sa bawat konsyumer na magtipid sa konsumo upang hindi gaanong tumaas ang demand, na nagiging sanhi ng pagnipis ng supply ng kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments