𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗣, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡

Magkakaroon ng bawas singil ng kuryente sa mga customers ng Dagupan Electric Corporation (DECORP) ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon sa tanggapan, mula sa singil na Php11.2944/kWh noong nakaraang buwan ay magiging PHP 7.7244 ang presyo ng kuryente ngayong buwan.

Mas mababa ito Php1.57 dahil umano sa apat na buwan na staggered collection mula sa WholeSale Electricity Spot Market o WESM na nagsimula noong Hunyo.

Sa kabila nito, nagpaalala ang tanggapan na pagpatuloy ang pagtitipid at pagiging responsable sa paggamit ng kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments