𝗦𝗜𝗡𝗚𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗜𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗘𝗦𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Malaya na kagaya ng mga ibong nagliliparan ang pinaka tema ng isinagawang Painting Contest sa bayan ng Bayambang na bahagi ng kanilang SingKapital 2024.

Ang SingKapital ay taunang selebrasyon ng bayan para sa pagkakadeklara ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Bayambang bilang ikalimang kapitolyo ng bansa noong November 12, 1899.

Kabilang nga sa naturang selebrasyon ay ang Painting Contest na may temang Flights of Freedom: Spreading Our Bird-Like Wings, kung saan ipinamalas ng 35 na kalahok na nagmula sa iba’t ibang lugar ang kanilang galing sa pagpinta.

Nasa 15,000 hanggang 12,000 ang naiuwi ng mga nagwagi sa contest.

Sa pamamagitan ng pagpinta tunay ngang naihahayag ang saloobin o adhikain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments