𝗦𝗜𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗛𝗢𝗟𝗘 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗔𝗞𝗦𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡

Tutugunan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang nakikitang problema pagdating sa kapahamakang maaaring maidulot ng mga sirang manhole covers sa mga kakalsadahan sa lungsod.

Alinsunod dito, una nang nakipagpulong ang LGU sa Department of Public Works and Highways o DPWH Pangasinan 2nd Engineering District Planning Division upang makapaglatag ng konkretong solusyon.

Matatandaang may mga napaulat nang nahulog sa mga sirang manhole covers sa lungsod.

Inaasahan na kung maisakatuparan ay maisasaayos ang mga nakakadisgrasyang manhole sa mga kakalsadahan sa lungsod ng Dagupan upang makaiwas ang sinoman sa bantang dulot nito sa kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments