𝗦𝗜𝗧𝗪𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗕𝗔𝗖𝗔𝗥𝗘Ñ𝗢, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Nakabantay ngayon sa Brgy. Bacareño ang mga barangay officials kasama ang mga barangay tanod upang obserbahan ang sitwasyon sa kanilang lugar ngayong mayroong banta ng bagyong Enteng.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Kagawad Allan Salvacion, nakahanda na ang mga kagamitan sa kanilang barangay katulad ng Generator at Rescue Vehicle na gagamitin sakali mang mawalan ng kuryente o kailangang mag evacuate.

Aniya, nakahanda rin ang kanilang evacuation center at bukas ito anumang oras para sa mga residente sakali man na kailangan nila ng matutuluyan kapag mas lumakas pa ang hagupit ni bagyong Enteng.


Puspusan rin ang ginagawa nilang pagro-ronda sa kanilang lugar upang obserbahan ang sitwasyon at magbigay abiso sa mga residente.

Facebook Comments