𝗦𝗜𝗧𝗪𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗗𝗜𝗔𝗡𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔

Cauayan City – Pangkalahatang mapayapa ang sitwasyon sa munting Barangay ng Dianao, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Ardy Laureta, secretary sa nabanggit na barangay, bagama’t may kalayuan tahimik at payapa ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Aniya, bawat purok ay mayroong nakatalagang tanod kaya’t kung sakali man na mayroong maitalang insidente ng kaguluhan ay kaagad na malalaman at marerespundihan.


Sinabi nito na bukod sa ilang mga problema sa utang, wala na rin umanong naidudulog na suliranin sa kanilang tanggapan na kanila namang ikinatutuwa dahil isa itong senyales na mapayapa nga ang kanilang lugar.

Gayunpaman, nakikiusap at nagpapaalala si Ginoong Laureta sa mga residente na maging responsableng mamamayan ang mga ito upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang lugar at maiwasan na masangkot sa anumang klase ng problema.

Facebook Comments