𝗦𝗜𝗧𝗪𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟𝗟𝗬 𝗣𝗘𝗔𝗖𝗘𝗙𝗨𝗟 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗡𝗣

Cauayan City – Ilang buwan na lamang ang nalalabi bago tuluyang matapos ang taong 2024 ngunit itinuturing pa ring generally peaceful ng Cauayan City Police Station ang sitwasyon sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Chief of Police ng Cauayan City Police Station na si Police Lieutenant Colonel Ernesto Nebalasca Jr., sinabi nito na mahigpit ang pagbabantay ng kanilang hanay sa lungsod ng Cauayan upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa lugar.

Aniya, 85% ng pulis sa kanilang istasyon ay nakatoka sa patrolling upang bantayan ang kanilang nasasakupan, habang ang nalalabing 15 porsyento ay sila namang naka-assign sa paggawa ng mga documentary requirements.


Samantala, nagpapaalala at nakikiusap naman si PLTCOL Nebalasca sa mga Cauayeño na manatiling maging mapanuri at kaagad na ipagbigay-alam sa kanilang hanay sakali man na may problema o insidenteng mangyari.

Facebook Comments