Siyam na barangay na sa bayan ng Bolinao ang apektado ng nararanasang epekto ng Bagyo Kristine.
Aabot sa 514 na indibidwal sa bayan inilikas ng ng Bolinao DRRMC sa kasagsagan ng pagbaybay ni Bagyong Kristine sa katubigan ng bayan.
Ayon kay Bolinao DRMMC Head, Engr Cherish Calicdan, nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation noong araw pa lamang ng Miyerkules, kung saan isa sila umano sa may pinakamaraming naitalang na evacuate.
Naging hamon naman para sa response group ang clearing operations sa lugar dahil mahigit dalawampu ang coastal barangays ng bayan gayundin ang pagpayag sa mga residenteng ayaw lumikas.
Kinumpirma rin ni Calicdan na may mga naitalang damaged houses na sa bayan.
Paglilinaw naman ni Calicdan na ang bayan ay low risk sa pagbaha o pagguho ng lupa at ang nakakaapekto rito ay ang storm surge.
Samantala, umabot na sa 2,248 na pamilya o katumbas ng 9, 289 ng bilang ng apektadong indibidwal sa naturang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨