𝗦𝗞 𝗖𝗛𝗔𝗜𝗥𝗠𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡

Tama ng baril sa dibdib, tiyan, at kaliwang balikat ang tinamo ng isang SK Chairman ng Salomague Norte, Bugallon matapos na pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Romulo Highway sa bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sana ang biktima sakay ng motorsiklo nang mapansin niya ang isang lalaki na naka-bike sa madilim na bahagi ng kalsada.

Nang lapitan na ng biktima upang tanungin ang suspek kung ano ginagawa nito roon, hindi umimik ang suspek at dito na siya pinagbabaril ng ilang ulit gamit ang caliber 9mm.

Nagawa pang tumakbo ng biktima nang ilang metro matapos na pagbabarilin ng suspek. Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa ospital matapos na isinugod sa hospital.

Narekober sa crime scene ang basyo ng bala ng ginamit ng suspek sa pamamaril. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments