𝗦𝗞 𝗖𝗛𝗔𝗜𝗥𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟

Pinagbabaril ang Sangguniang Kabataan Chairman ng Barangay San Simon East Aringay, La Union. Ang biktima ay 23 anyos.

Ayon sa pulisya, lulan ng kaniyang motorsiklo ang biktima nang mangyari ang pamamaril sa Aringay-Tubao Provincial Road sa barangay.

Sinundan umano ito ng SUV at nang makarating sa intersection kinausap pa ng driver si Macabinta.

Nang papaalis na ito, dito na siya pinaputukan ng tatlong beses. Nagtamo ng tama ng baril si alias Juan sa kaniyang puwet.

Nagpapagaling ang biktima sa hospital. Nagsasagawa na ng dragnet operation ang awtoridad upang mahuli ang suspek sa pamamaril sa SK Chairman. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments